Shopping security
COMIC mystery-suspense-thriller—na may sosyo-ekonomik-politikal na ugnay… Ang Omnibus ay kasama sa mga akda ng bagong henerasyon. Taglay nito ang indibidwal na tatak ng awtor, gayundin ang tatak ng kabataang panulat na kumakawala sa kung ano diumano ang mga dapat at dapat sa gayo’t ganitong anyo o genre. Kailangang igalang ang karapatan ng bawat manlilikha sa pagtahak sa sarili niyang direksiyon—na sa maraming kaso ay paghahanap ng sariling tatak/identidad, ng orihinalidad.
—Fanny A. Garcia
Sa bagong pakikipagsapalaran ni Arvin Villa, nakatanggap siya ng regalong mga aklat mula sa kanyang kasintahang si Lizelle. Ngunit sa di maipaliwanag na dahilan, kasama sa kahon ng mga aklat ang isang pugot na ulo na lubos na ikinagulat at ikinabahala ni Arvin. Samantala, sa Palasyo ng Malacañang ay biglang naglahong parang bula ang pangulo ng Filipinas na si Pomoy. Labis na ipinag-alala ng malalapit na mga kaibigan niya nang maisip nilang baka kinidnap ang pangulo.
Sa tulong ng isang matalino, maganda, makulit, at palabang babaeng kongresista na si Jennilyne Solisidad na nagkataon ding kasintahan ng pangulo ng bansa, napadpad sila ni Arvin sa National Historical Commission, Fernando Air Base, Abbey of Our Lady of Montserrat, hanggang sa CCP Complex upang tuklasin ang katotohanan sa likod ng Omnibus Code. Sa kasagsagan ng kanilang paghahanap ng kasagutan, lumitaw ang recipe ni Quezon, ang tungkol sa nawawalang labi ni Bonifacio, ang larawan ng Hong Kong Junta, at ang medalyon ni San Benito. Ano ang kinalaman ng mga ito sa misteryosong pagkatao ni Orlando Iniego? Paano maililigtas ni Arvin si Lizelle sa bingit ng kapahamakan?
Habang masalimuot na nagaganap ang mga kahindik-hindik na pangyayari sa politika ng bansa, naghahanda rin ang Filipinas sa krisis na nilikha ng maligalig na pinuno at militar ng isang karatig-bansa.
Author: Rhod V. Nuncio
ISBN/ISSN: 978971542907-8
Category: Literary; Fiction; Suspense
Copyright: 2019
Pages: 346pp
Size: 6x9
Type: PB/SP
Ships within 48 hours · Estimated delivery Jul 23 - Jul 28
US$40
Get nowSign up to your membership to get coupons up to
15%
Get nowOpportunity to enjoy order discount up to 15% off
Top-Converting Item to Boost Your Average Order