Shopping security
Si Dr. Imelda P. De Castro ay ang kasalukuyang Tagapangulo ng Departamento ng Filipino at associate professor sa Unibersidad ng Santo Tomas. Siya ay guro ng wika, retorika, panitikan, pagsasalin, leksikograpiya at riserts. Kinilala ang kanyang husay sa pagsulat nang magwagi nq ikalawang gantimpala sa Gawad Surian sa Sanaysay Gantimpalang Collantes noong 2001. Naginq isa mga hurado sa Don Carlos Palanca Memorial Award for Literature 2008 siya sa kategoryang sanaysay. Naging evaluator siya ng textbook ng Department of Education (DepEd).
Kasalukuyan siyang nasa Executive Committee bilang Asst. Secretary ng National Commission on Language & Translation at nasa Lupon ng mga Direktor ng SANGFIL. Bilang risertser, ilang ulit na siya tumanggap ng pagkilala sa University Research Coordinatton Office (URCO) ng Pamantasang De La Salle. Siya rin ay awtor at ko-awtor ng mga textbuk sa Filipino sa Araling Kompyuter (DLSU, 1999), Filipino sa iba't ibang Disiplina, Retorika at Let's Converse in Filipino.
Nagtapos siya ng Doctor of Arts in Language & Literature (with High Distinction) sa Pamantasang De La Salle at may Academic Excellence Award sa pagtatapos ng kanyang digring doktoral.
Naanyayahan siyang bumasa ng papel sa mga kumperensyang internasyunal: ang International Conference on Translation and Bilingual Dictionaries sa Chinese University of Hongkong noong Pebrero, 2002. lntenational Conference on Specialized Translation sa Barcelona, Spain noong Marso, 2002 at International Conference on Translating and the Computer sa London, United Kingdom noong Nobyembre, 2003. Nagturo ng Basic Filipino sa mga iskolar ng Advanced Filipino Abroad Program, Fulbright-Hays sa pakikipagtulungan ng Departamento ng Edukasyon ng Estados Unidos, University of Hawaii-Manoa, at De La Salle University-Manila.
Si Prop. Zendel Rosario Manaois-Taruc ay nagtapos ng Batsilyer ng Edukasyon Sekundarya, medyor sa Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas, Maynila noong 1996. Nagkamit ng digring Master sa Edukasyon, medyor sa School Leadership sa Unibersidad ng De La Salle, Maynila taong 2000 Kasalukuyang kumukuha ng doktorado sa Philippine Studies sa Wika, Kultura at Medya sa nasabi ring paaralan.
Siya ay naging koordineytor ng Departamento ng mga Wika at Humanidades sa UST Kolehiyo ng Nursing taong 2005-2010. Guro siya sa Filipino at pananaliksik; lecturer at tagapagsanay ng mga guro sa Filipino at paggawa ng kagamitang panturo; tagapagsanay sa talumpatian at sabayang pagbigkas; tagapag-organisa ng mga lektyur, worksyap at kumperensya; at tagapayo sa pagsasaling-wika sa Filipino.
Awtor ng mga sanayang aklat sa elementarya, sekundarya at kolehiyo. Lumikha ng isang elektronik modyul sa Filipino 2 sa Unibersidad ng Sto. Tomas sa pamamahala ng E-Leap. Sumusulat ng mga kwento at tulang pambata na nailathala sa mga sanayang aklat ng Innovative Publishing House, Library Publishing House at C& E Publishing Inc. Ang teksbuk na Sanghaya 3 at 6, aklat sa wika at pagbasa sa Filipino ay tinangkilik sa Doha, Qatar na inilathala ng C & E Publishing, Inc. Naging evaluator ng mga teksbuk ng Department of Education (DepEd).
Higit sa lahat, siya ay isang maybahay at ina.
Ships within 48 hours · Estimated delivery Aug 20 - Aug 25
US$40
Get nowSign up to your membership to get coupons up to
15%
Get nowOpportunity to enjoy order discount up to 15% off
Top-Converting Item to Boost Your Average Order