Shopping security
Sa koleksiyon ng mga kuwento, dinala tayo ni Baquiran mula sa nakaraan (panahon ng Hapon) hanggang sa kasalukuyan (pandemya) kasama ng mga lugar, tauhan at kuwentong dati na nating alam ngunit ngayon, muli nating inaalam. Nanariwa ang mga sugat na hatid ng mga pangyayari sa buhay ng mga tauhan (na karaniwang tao) na biktima ng mga sitwasyong patuloy na lumalaban at mahigpit na nangungunyapit kahit sa huling hibla ng pag-asa.
–EROS SANCHEZ ATALIA
Kuwentista
Madaya kung basahin ang mga kuwento ni Baquiran. Sa payak at simpleng estilo, mababanaag agad sa umpisa kung ano ang paksa at daluyong ng kanyang naratibo: batang kaibigang nalunod sa “Mula Ilog,” istokwa na nakipagsapalaran sa Maynila sa “Bigas,” o isang ketongin sa “Manhid.” Ngunit sa malaong pagbabasa, mapagtatantong hindi lang pala ito umiikot sa inaasahang kuwento.
Mayaman at malawak ang pinapaksa ng mga kuwento–mula sa panahong nanakop ang mga Hapon hanggang sa kasalukuyang hinahagupit ang bayan ng matinding mga sakuna at pandemya. Ngunit kayang-kaya niyang balansehin ang pagsasalikop ng mababaw at malalim na tema sa mga kuwento. Isa itong katangian ng magaling na kuwentista. Oo, madaya ang mga kuwento ni Baquiran. Dahil madaya siya magkuwento. Ngunit kalimitan, kailangang madaig ng daya ang sarili upang mapukaw at mahulò ang katotohanan.
–JOHN JACK G. WIGLEY
Guro at Manunulat
Author: Romulo P. Baquiran Jr.
ISBN/ISSN: 978621090008-8
Category: Literary; Short Stories; Filipino
Copyright: 2023
Pages: 160pp
Size: 6x9
Type: PB/SP
Ships within 48 hours · Estimated delivery Jul 21 - Jul 26
US$40
Get nowSign up to your membership to get coupons up to
15%
Get nowOpportunity to enjoy order discount up to 15% off
Top-Converting Item to Boost Your Average Order